Ness: Watch ka ng concert nila Rollie ba?
Orlee: Nakasalalay ang lahat sa itatakda ng tadhana.
Kung saan man mararapatin ay doon ang paroroonan
Ness: Huh?
Orlee: Anong agam-agam ang nanalaytay sa iyong kaisipan?
Ang paghahanda ay magpapatuloy kung ang oras ng hanapbuhay ay matatapos sa itinakda.
Kung hindi at kailanganing manatili sa kasulukuyang sitwasyon…
marahil hindi makakasama sa pagtitipong magaganap.
Ness: Makata lang ang peg?!?
Nagpapakadalubhasa ka ba para sa isang talastasan?
Orlee: Hindi kailangang magpakadalubhasa sa dilang ipinagkaloob ng Diyos Maykapal.
Ness: Kung gayon
Nawa’y makamit mo ang minimithi mong layunin sa katapusan ng araw na ito.
DI KITA KAYA!!!
Orlee: Ikaw Binibini, ikaw ba’y magbibigay suporta sa mga kaibigan at manonood ng itinakdang palabas?
Ness: Sa aking palagay..
Orlee: Ako’y patuloy na naghihintay sa iyong kasagutan.
Hindi ba’t may pagkamakupad ang iyong pagsagot sa mga katanungan.
Ness: Ipagpaumanhin nyo po Ginoo. Ang akin pong kasagutan.
Orlee: Ikaw ba ay nahihirapan bumigkas sa iyong sariling lenggwahe?
Anong nangyayari sa ating lipunan? Ang salitang banyaga’y mas pinapaboran ng mas nakararami?!
Hindi matutuwa ang ating Ama ng Wika! Ipagpaumanhin, Gat Manuel Quezon.
O modernisasyon! Tignan mo ang ginawa mo!
Ang simpleng kasagutan ay hindi maipahayag. Simpleng oo at hindi ay hindi masambit.
Nakakalugmo ngunit kailangang tanggapin.
Ness: Ika’y aking binabati sa iyong pagiging makata!
Ang akin pong kasagutan sa inyong katanungan
Ay nakasalalay lamang po sa kahahantungn ng araw na ito.
Orlee: Magkahalingtulad lamang pala ang ating magiging desisyon sa hinaharap.
Ness: Ngunit subalit datapwat. Mas malaki po ang posibilidad
na ako’y manatili at mamahinga sa aming tahanan.
WAAAH! Di ko na talaga 2 kaya!!!