RSS

BBM Chat: Orlee and Ness

07 Jun

Ness:    Watch ka ng concert nila Rollie ba?

Orlee:    Nakasalalay ang lahat sa itatakda ng tadhana.
Kung saan man mararapatin ay doon ang paroroonan

Ness:    Huh?

Orlee:   Anong agam-agam ang nanalaytay sa iyong kaisipan?
Ang paghahanda ay magpapatuloy kung ang oras ng hanapbuhay ay matatapos sa itinakda.
Kung hindi at kailanganing manatili sa kasulukuyang sitwasyon…
marahil hindi makakasama sa pagtitipong magaganap.

Ness:   Makata lang ang peg?!?
Nagpapakadalubhasa ka ba para sa isang talastasan?

Orlee:   Hindi kailangang magpakadalubhasa sa dilang ipinagkaloob ng Diyos Maykapal.

Ness:   Kung gayon
Nawa’y makamit mo ang minimithi mong layunin sa katapusan ng araw na ito.
DI KITA KAYA!!!

Orlee:   Ikaw Binibini, ikaw ba’y magbibigay suporta sa mga kaibigan at manonood ng itinakdang palabas?

Ness:   Sa aking palagay..

Orlee:   Ako’y patuloy na naghihintay sa iyong kasagutan.
Hindi ba’t may pagkamakupad ang iyong pagsagot sa mga katanungan.

Ness:   Ipagpaumanhin nyo po Ginoo. Ang akin pong kasagutan.

Orlee:   Ikaw ba ay nahihirapan bumigkas sa iyong sariling lenggwahe?
Anong nangyayari sa ating lipunan? Ang salitang banyaga’y mas pinapaboran ng mas nakararami?!
Hindi matutuwa ang ating Ama ng Wika! Ipagpaumanhin, Gat Manuel Quezon.
O modernisasyon! Tignan mo ang ginawa mo!
Ang simpleng kasagutan ay hindi maipahayag. Simpleng oo at hindi ay hindi masambit.
Nakakalugmo ngunit kailangang tanggapin.

Ness:   Ika’y aking binabati sa iyong pagiging makata!
Ang akin pong kasagutan sa inyong katanungan
Ay nakasalalay lamang po sa kahahantungn ng araw na ito.

Orlee:   Magkahalingtulad lamang pala ang ating magiging desisyon sa hinaharap.

Ness:   Ngunit subalit datapwat. Mas malaki po ang posibilidad
na ako’y manatili at mamahinga sa aming tahanan.
WAAAH! Di ko na talaga 2 kaya!!!

 
1 Comment

Posted by on June 7, 2012 in Dubai Friends

 

Tags: ,

One response to “BBM Chat: Orlee and Ness

  1. Richie

    June 7, 2012 at 11:58 PM

    Akoy nagagalak at iyung binibigyang halaga ang ating sariling wika. Bagamat Kung susuriin ang Mga kataga na iyung binigkas ay dapat pang pagyamanin at bigyang pansin Kung Paano Ito gamitin. Upang sa bawat pahayag na way maguluhan at mabaon sa kawalan ang makakarinig yaring usapan.

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: