RSS

Daily Archives: July 31, 2010

Boxing Tem

I saw this on my sister‘s wall:

I asked her, “Wow! Buti naman at nakapag-gym ka na? Naalala ko dati napakahirap mong hilahin sa gym eh.”
“Niyaya ako ng kaibigan ko sa Lotus Mall. May boxing pala ‘dun? Syempre hiyang-hiya rin ako,” my sister answered.
“Kamusta unang araw mo?”
“Ay naku kuya! Hapon kami nagpunta. Nahiya talaga ako kasi ang taba ko! Tapos tinawag ako ng instructor! Pinapanik ako sa ring. Wala naman akong nagawa. Tapos nung nag-umpisa na ako mag-freestyle ng suntok, hala! ang mga lalaki sa gym naglapitan. Nagsitanghod dun. Pinatong na mga baba nila sa gilid ng ring. Pagbaba ko talaga tinanong ko ‘yung tao sa gym kung may ibang oras ng boxing. Sabi raw meron. Sabi ko sa kaibigan ko: SA UMAGA TAYO! AYOKO NA SA HAPON! PURO LALAKE!”

 
Leave a comment

Posted by on July 31, 2010 in It's All Relative

 

Tags: