“Ayoko talaga umiyak this time,” I told Karol.
“Bakit ka ba kasi umiiyak?” She asked.
“Eh kasi naman malungkot talaga pag may pamangking maliit,” I told her, “Last year nga, may kaibigan din akong kasabay, si Bing, kasama ko sa Dubai, may anak yun. Katabi ko sa eroplano pabalik ng Dubai. Sabi nya sa akin, ‘Bakit ka umiiyak?’ Sabi ko lang, ‘Mahal ko kasi mga pamangkin ko’, sabi nya, ‘Hindi ko ba mahal anak ko!?’”
“Mas naiyak ka pa!?” Karol asked.
“Sa eroplano nga pa Hong Kong, nag-se-senyas yung mga flight attendant ng safety features ng eroplano, bigla na lang tumulo ang luha ko, sabi ni Bing, ‘Ano nakakaiyak sa Chinese Instructions?’”
Pamangkin Rangers












