Annie’s Eulogy
In Memoriam to Mr. Antonio Dominguez…
Ate Annie asked me, “Orlee, tulungan mo naman akong gumawa ng speech ko for tomorrow sa pasasalamat sa mga nakiramay,” Rein and ate Annie’s dad lost the long battle with cancer.
“Huh? Pa’no ba ‘yun?” I asked.
“Gusto ko kasing umpisahan sa pasasalamat sa mga nakaramay,” she answered, “tapos sasabihin ko sana: Umasa po kayo na kapag kayo naman po ang namatayan, o kayo man ang mamatay, ibabalik po namin sa inyo ang tulong pakikiramay na binigay po ninyo sa pamilya namin.”
I laughed and asked, “Seryoso ka?”
She then answered, “Oo naman, tapos dadagdagan ko pa ng: sa mga nagbigay po ng dalawang daan, umasa po kayo na dalawang daan din po ang ibibigay namin sa inyo.”

