Thursday, November 12th, 2009


Jake, my college friend and OFW-mate, told me, “Na-a-appreciate ko na ang mga Filipino songs and programs,” when we met over the weekend.
“Ako rin,” I answered, “Dati nga nagtataka ako kung bakit ang mga galing abroad, mga Fil-Am, gusto nila mga baduy na kanta saka artista. Na-mi-miss lang pala nila ang Pilipinas.”
regis“Dati nga ‘di ako makapaniwala sa isang girl sa ABS-CBN, Fil-Am s’ya,” Jake told me, he used to work as a freelance personal staff for a production company in the Philippines, “Kinikilig na nag-pa-picture kay Sheryn Regis!”
“Nasan na nga ba ‘yun?” I asked him.
“Ewan ko,” he answered, “Anyway, ako may hawak ng camera, kitang kita kong kinikilig s’ya. Sa loob-loob ko nga, ‘Hello ate? Ni hindi nga ‘yan si Sarah Geronimo eh.’
“So ngayon na-a-appreciate mo na?”
“Hindi naman. Naiintindihan ko lang sila.”

Ate Richie, my sister in the US, called me last night.

We updated each other on the news about Nanay’s health and everyone’s reaction to this. Nanay was diagnosed with kidney cyst: Please pray for her successful operation next week. 
We then arrived on the topic of Aki, my niece in Japan. Conversation goes like this…

Richie: Maiba ako, si Aki raw nakausap raw si Nanay.
Me: Talaga?
Richie: Oo, tumawag sila ni Mimi (our sister).
Me: Kamusta raw?
Richie: Eh ang sabi nga ni Mimi namimiss raw ni Aki si lola n’ya. Nalulungkot at pupunta nang Amerika at di na makikita si lola nya.
Me: Ay oo nga no? Pag-nagpunta na nanay d’yan (sa US), matagal na bago sila magkita ulit.
Richie: Eh di kausap nga ni Aki si lola nya sabi raw, “La, namimiss kita!” tapos sumagot raw ang nanay ng, “Miss na rin kita Aki,” bigla na raw sumigaw si Aki ng, “Naaawa ako sa’yo!” nagtanong daw ang lola n’ya, “Bakit?” tapos sabi raw ni Aki, “Kasi may sakit kaaahhhh!”
Me: Eh di hagulgol na ang nanay?
Richie: Oo. Alam mo naman ang nanay. Pero ang point ko – ang sweet ni Aki.
Me: Naku ate!… Bata pa ‘yang si Aki marunong nang mambola!
Richie: Pano mo nasabi?
Me: Tumawag ba naman si Tem nung birthday ni Aki. Nauna na akong tumawag.
Richie: Oh.
Me: Sabi ni Tem kay Aki namiss n’ya ang s’ya, tapos sumagot naman si Aki kay Tem, “Miss na rin kita, tita Tem. Sabi ko nga kay Tito sabihin sa’yo na miss kita eh.” Eh ‘di tinanong ako ni Tem, “Kuya may sinabi ba si Aki na namimiss n’ya ako?” Wala!
Richie: (laughs hysterically)

Aki